
bumalikwas ako nung nagising ako kanina,
mga bandang 8.00 n.u.!!!!!
huwaaattt!???
shampoo ng onti, sabon ng onti, tutbras...
hala...
daan sa buffet table,
kuha ng dalawang pirasong tinapay
na may palamang kakapurit na keso...
takbo...hala!!!!
8.15 na... may field trip pa naman ngayon...
puntang Kota Gede...
haaayy!!!
ba't naman wala man lang nag-text sa akin...
naghanap?
usually naman binibilang nila kami...
takbo pa rin...
daan sa mga classrooms...
ala ng tao...umalis na nga!
waaaaaahhhhhh!!!!
takbo hanggang kanto,
baka andun pa bus....
sumasama na ang loob ko kay joyce....

biglang liko ng titser kong mabait
at sa pagkakakita niya sa aking humahangos,
nasambit niya... "pagi-pagi!"
ha, anu ka mo?
ang aga ko daw.
ha?
hindi na ako nakapagpa-alam
at bigla ko na lang nahablot ang kaniyang kamay
at tiningnan ang orasan niya.
7.15. hmm...
kapag nagpalit ka nga naman ng SIM ng cp
at mali ang pagkakalagay mo ng oras...
ay, ako pala...
mali ang pagkakalagay ko ng oras.
nga naman, oo!
dahil sa maling oras,
napagisipan ko pa tuloy ng masama ang iba.
alam ko namang ite-text ako ni Joyce kung sakali...
baka nga sugudin pa niya ako sa kwarto
kung sakaling wala pa 'ko
at baka kung anu na ang nangyari sa 'kin...
mali ang oras sa cp ko at mali ang mga inisip ko.
oras na para magtiwala ng lubusan.